Lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang 13 empleyado ng Yanyan International Philippines Inc. sa Caloocan para ireklamo ang hindi tamang pasahod at pang-aapi sa kanila ng kumpanya. Kwento ng isang manggagawa, 12 oras siyang naka-duty kada araw at humawak na rin ng iba’t-ibang posisyon pero ₱500 pa rin ang sinasahod niya per day. Wala na nga sa minimum, dinudugasan pa ng apat na oras sa overtime! Umusok sa galit si Sen. Idol nang mapag-alamang sapilitan pa silang pinapautang ng management ng mga malapit nang mag-expire o nabubulok nang produkto at ibinabawas ito sa kanilang sahod. PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Nagsimula na parang fairy tale ang love story Nina Arnald Rajah Dsouza at Evita Varon ngunit ilang buwan pa lamang na nakakasal nauwi na ito sa hiwalayan. Nagpasaklolo si Arnald kay Sen. Raffy para maisalba ang pagsasama nila ng kanyang misis! Pero kahit anong pagmamakaawa ayaw ng pumayag makipagbalikan ni Evita! Panoorin para malaman ang dahilan kung bakit hindi na nakipagkasundong muli si Evita kay Arnald! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Aldrin Sarmiento dahil ipinagpipilitan daw sa kanya ng kanyang ex-girlfriend na si Jonalyn Decina ang baby nito. Depensa ni Aldrin malayo raw ang mukha niya sa bata at sobra-sobrang pamamahiya na rin ang ginawa sa kanila ni Jocelyn pati nga ang kinakasam niya ngayon ay damay pa! Dahil dito, nagdesisyon si Sen. Idol na ipa-DNA test ang bata. Si Aldrin nga ba talaga ang tunay na ama? PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Matagumpay nang nabawi ni Kimberly Calbunero ang kanyang anak mula sa asawa ng kanyang tiyuhin matapos nitong magmatigas na ayaw ibalik ang bata! Matatandaang nagpasaklolo sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Kimberly noong July 24 upang humingi ng tulong na mabawi ang 5 taong gulang na anak na si Katie matapos ipaalaga ang anak bago mag-abroad. Alamin ang buong kwento at panoorin ang naging madamdaming tagpo nina Kim, Katie at kanyang tiyahin na si Stephanie! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Humingi ng saklolo sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Elizabeth Macapagal para tuluyan nang mabawi ang kanyang limang taong gulang na anak mula sa mga magulang ng dati niyang kinakasama sa La Union. Hindi na mapigilan pang humagulgol ni Elizabeth habang ikinukwento kung paano tahasang ipagdamot sa kanya ng kanyang mga biyenan ang bata kahit na simpleng pagpasyal lang. Panoorin ang makapigil-hiningang rescue operation ng Raffy Tulfo in Action! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Tatay Eddie Corre isang bagong laya at 30 taon ding nakulong para hilingin kay Sen. Idol na makauwi na raw sana siya sa kanyang pamilya sa Tacloban. Agad naman tinupad ni Idol anng hiling ni tatay ngunit hindi lang ang pag-uwi niya ang inasikaso ni Sen. Raffy kundi isang espesyal na family reunion na rin para sa kanilang mag-anak at may bonus ₱100K pa! Panoorin! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Pumunta sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Gerald Anderson para isumbong ang mga pagbabanta na natatanggap niya mula sa mga taong na-scam ng kanyang “tatay” na umabot sa kabuuang halagang ₱32 Billion.
Sinabi ni Gerald na nakatabi sa isang crypto wallet ang pera at handa naman daw siyang isoli ito sa kanila.
Kapani-paniwala ba ang kanyang sumbong? Panoorin! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Kinausap ni Sen. Raffy Tulfo ang inDrive Philippines dahil sa maling insal ng isang TNVS driver kung saan ibinaba ng sasakyan ang pasahero at naglabas pa ng kutsilyo. Ipinarating din ni Idol Raffy ang problema sa LTO at nangako silang ipapatawag sa kanilang tanggapan ang driver at sinabing ipasususinde ang kanyang lisensya. Pinaalalahanan din ni Idol ang pamunuan ng InDrive app na maghigpit sa pagtanggap ng kanilang drivers upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Tumataginting na ₱200,000 kasama na ang iba pang mahahalagang dokumento gaya ng passport ang ibinalik ng bayaning taxi driver na si Kuya Lino Beruico sa kanyang Koreanong pasahero na si Mr. Yeong Seon Cho! Maski si Idol Raffy ay nagulat at maging si Kuya Lino ay napaluha at napayakap na lang sa ginawa ni Mr. Cho. Alamin ang buong istorya dito lang sa Solian ng Bayan! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Paano kayang natitiis ng isang 16 year old na si Hetty na ganito niya tratuhin ang kanyang ina? Panoorin ang hinagpis at pagsusumamo ni Nanay Mary Anne Olarte habang nananawagan na ituwid na ni Hetty ang kanyang buhay. Magkabati pa kaya ang mag-ina? Alamin ang buong istorya! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Matapos aksyunan ni Sen. Idol ang labor violations na patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa sa mga pabrika, sunod naman niyang ininspeksyon ang isang public hospital sa Maynila. Sandamakmak na reklamo na kasi ang natanggap ng Raffy Tulfo in Action (RTIA) mula sa health workers na hindi raw sila nabibigyan ng tamang pa-sweldo, benepisyo at OT pay! Dito ay hindi lang hinaing ng mga nurse ang sumalubong kay Sen. Tulfo kundi pati na rin ang nakatiwangwang na infrastructure projects ng naturang ospital! PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Isang foreigner sa Antipolo na tila ayaw tantanan ng kamalasan ang agad na tinulungan ni Sen. Idol! Bukod sa namatayan ng asawa, nawalan ng yaman at ngayon ay wala na ring matirhan, ilan lamang yan sa mga kalbaryong dinanas ni Larry Baker. Alamin ang mga tulong na ibinuhos ni Idol para sa kanya sa video na ito ng "Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo!" #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Matapos mag-site inspection sa San Lazaro Hospital, sunod namang pinuntahan ni Sen. Raffy ang Rizal Medical Center sa Pasig dahil may mga pasyenteng nagparating ng kanilang reklamo sa RTIA ukol sa mga masusungit daw na health workers dito. Personal na nakita ni Sen. Idol ang kalagayan ng mga pasyente at health workers sa ospital at nalibot ang pasilidad nito. Alamin ang kanyang mga nadiskubre! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Isiniwalat ni Sen. Tulfo ang modus ng isang mandurugas na maritime clinic sa Maynila na tila pinagsasamantalahan ang marami nating kababayang nais maging seaman. Ang siste, bukod sa mas mataas na singil sa mga lab tests ay mag-oobliga pa raw ito ng mga karagdagang confirmatory tests na talaga namang katakot-takot na gastusin para sa mga pobreng aplikante. Alamin ang buong detalye sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Tiyak na bubuhos din ang mga luha ninyo sa surpresang handog ni Sen. Raffy para sa graduating student na si Norkizah mula Cotabato City. Lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang mga magulang ni Norkizah noong May 2 upang humingi sana ng tulong na makauwi sila sa probinsya just in time para makadalo sa graduation day ng anak dahil kapos daw sila sa pera. Ngunit sa halip na agad pauwiin ay may ibang planong niluto si Idol para sa kanilang pamilya. Alamin ang buong kwento sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Nakakapanindig balahibo ang mga eksenang matutunghayan ninyo dito mga lods! Hindi na napigilan pang mapahagulgol ni Neneng nang personal na malaman mula kay Sen. Idol ang resulta ng lie detector test. Matatandaang lumapit si "Neneng" at si "Tatay" sa RTIA para mapanagot at makasuhan ang pinsan niyang nanghalay daw sa kanya. PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Maraming nurse partikular na sa public hospitals ang nagsumbong kay Sen. Raffy dahil sa halip na bayaran daw ng cash ang kanilang over time pays ay kino-convert daw ito bilang paid day-offs. Binigyang-diin ni Sen. Tulfo na maliwanag na labag ito sa Magna Carta of Public Health Workers at bakit lantaran itong hinahayaang nangyayari ni DOH Sec. Ted Herbosa. Alamin ang naging tugon ni Sec. Herbosa at mungkahi ni Sen. Idol! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Nida Arquiola upang humingi ng tulong na matupad ang hiling ng kanyang kapatid na si Elvie Villatura na may Stage 4 Vulvar Cancer. Kwento ni Nida, nais raw sana ng kanyang kapatid na umuwi na lang sa kanilang probinsya sa Bayugan City, Agusan del Sur upang doon na magpahinga. Ora mismo ay kumilos agad si Sen. Tulfo para tuparin ang kahilingan ni Elvie at nagbuhos pa ng iba't-ibang tulong para sa kanilang pamilya. Alamin! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Sa wakas ay tukoy na ang tatlong suspek na pumaslang sa 8 anyos na batang si Christal Jane Arcasa mula Iligan City. Ito ay matapos maglagak ng tig-₱100K na pabuya si Sen. Idol at Iligan City Mayor Frederick Siao sa makapagtuturo sa mga salarin. Matatandaan noong June 20, 2025 ay inere sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang pagdulog ng nanay ng biktima para mahuli at mapanagot ang gumawa ng karumaldumal na krimen kay Christal. Alamin ang buong detalye sa personal na pagtutok na ito ni Sen. Tulfo! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Isinumbong kay Sen. Idol ng mga taga-San Luis, Pampanga ang limang taon na nilang sakit sa ulo na bagsakan at tambakan ng mga buhangin, graba at semento na matatagpuan sa mismong tabi ng kanilang mga kabahayan. Reklamo ng mga residente, bukod sa nakabubulabog ng ingay ng mga makina ng nasabing stockpile facility tuwing madaling araw ay nagkakasakit na rin sa balat at baga ang mga kabataan. Alamin ang naging pag-aksyon ni Sen. Tulfo sa kalbaryo ng mga taga-San Luis! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon